Home Page
About Us
News
Sponsors
Calendar
Schedule
Contact Us
Online Map


Search our Site
Search our Site
Search for...

Contact Us!
Contact us by using our convenient online form.

Our Patron Saints
  San Roque / St. Roch

 
 
MOAS
PLAY GAMES HERE!
_______________
 
   The following below are some of the games available in our webpage courtesy of ChunkyPop. Enjoy guys! Just click the links.

 
>Priests and Devils

>Escape from Hell

>
Dance Dance
Carabao


>
Word Search 2000

>
Wheel of Salvation

>
Sudoku

>
Mario Level 3

>
The Fisher

>
Megaman Project X

>
Camper Strike

Watch out for the updates of new games!

Parent's Corner

To the Parents of the Servers, if you have questions on the schedule of your son, you may contact the Officers regarding the matter. Your guidance upon your son's duties and responsibilities in the church and the organization are very much given thanks.

Looking back, you can click SRC-MOAS News and Events of 2008to check for the News from the Year 2008. Be updated for the events for 2009

San Roque Cathedral - Ministry of Altar Servers at A. Mabini St., Caloocan City, Metro Manila, Philippines, caloocan, National Capital Region 1400 PH - Lenten pa-Contest '08: Essay Writing Contest 1st Place: "Hesus Daan Tungo sa Pagbabago"

Lenten pa-Contest '08: Essay Writing Contest 1st Place: "Hesus Daan Tungo sa Pagbabago"

Bro. Rhom Armel Frias

               Daan…Ano nga ba ang daan para sa atin? Maraming iba’t ibang daan ditto sa Metro Manila pero pinakasikat na marahil ang NLEX at SLEX dahil sa mahabang daan, mabilis at maganda ang dinadaanan at tiyak makakarating ka ng mabilis sa iyong paroroonan. Dalawa lamang yan sa mgamaraming daan sa Pilipinas. Hindi lahat ng daan sigurado kand dadalhin ka sa pupuntahan dahil marami itong “shortcut”.

               Pagbabago… maraming tao ang gusting magbago, halimbawa gusto nilang  magbago sa mukha, katawan, damit at pati buhay nila gusto nilang baguhin kaya nga maraming Pilipino ang nagsisikap na makatapos ng pag-aaral para sa kinabukasan nila isama na  rin natin ang mga magulang na nagtatrabaho para sa kanilang mga anak. Pero pinakamaganda na siguradong pagbabago na magagawa ng mga tao ay magbalik loob sa Diyos . yun na marahil ang pinakamalaking pagbabago na magagawa ng tao sa buhay niya.

             “Hesus daan tungo sa pagbabago”… kapag pinagsama sama ang mga salitang daan at pagbabago at sinama pa si Hesus makakabuo tayo ng kaisipan na “Hesus” daan  tungo sa pagbabago. Paano nga ba natin maipapaliwanag ang mga ito? Si Hesus , anak ng Diyos, ang daan na nilikha ng tao, ang pagbabago kaiipan na binuo rin ng mga matatalinong tao.

             Ako bilang tao ay aminado akong nakakagawa rin ng masama sa mundong ito, kakaunti lang ang alam kong makakatulong sa akin para magbago, pero meron pa palang isang importanteng bagay na kailan ko lang nalaman, ito’y si Hesus. Kahit pa paano masasabi kong nagbago na ako simula pa lamang ng naging sacristan ako. Nagbago ako sa pag-uugali, pananamit at buhay ko dati simpleng bata lang ako na makapaglaro lang masaya na ako pero nung lumaki na ako narealize ko na hindi ako dapat makuntento lang sa mga bagay na sakin na at makamit ko na. Parang yung tinuro sa akin ng teacher ko na kwento na “Ang batong nilulumot at ang batong inaagos”. Ang batong nilulumot ay ayaw harapin ang mga pagsubok na dapat harapin niya na makakatulong sa pagkamit niya ng pangarap, sa madaling salita kuntento na siya sa bagay na nagawa niya. At ang batong sumasabay sa agos gusto niyang mapaunlad pa at madagdagan ang nakamit niya sa buhay, sa madaling salita ito ang taong handing harapin ang mga pagsubok sa buhay.

            Ang bawat pagsubok na dumarating sa buhay natin ay hindi maaaring walang solusyon. At isa sa mga solusyong ito ay si Hesus na nadiyan lang para tumulong sa mga problemang kinhaharap natin ngayon, bukas, sa isang lingo o sa nga susunod pang panahon. Nandiyan din ang mga magulang at kapatid na handa ring tumulong sa atin.

           Kaya payo sayo kaibigan “huwag mong itigil ang laban”. Nandiyan lang si Hesus na kaya tayong patawarin sa mga kasalanan natin sa tulong ng pagkukumpisal. Kapag nagkumpisal ka kilangan mong sabihin lahat ng kasalanan na nagawa mo sa pari kaya, pero may ibang tao ang ayaw savihin ang kasalanan nila dahil nakakahiya raw kasalanan din yan “par”, tinutukso ka ng demonyo kaya ayaw mong ibigay at ipagkatiwala ang kasalanan mo sa Panginoon o kay Hesus.

            Isa lamang si Hesus sa mga solusyon na makakatlong para sa pagbabago. Hindi lahat ng pagkakataon susuko ka na dahil lahat ng nangyayari ngayon ay may dahilan at plano ang Diyos ito sa buhay natin. Basta tandaan mo nandiyan si Hesus para sayo at nakahanda siya ng saluhin ang mga problem mo. Nagawa niya ngang magpapako sa krus para sa kasalanan natin, yun pa kayang tulungan ka basta magtiwala ka lang kay Hesus. Nandiyan siya para tulungan kang magbago kahit ano pa yan.

(Back)

This site is hosted by CatholicWeb.com | TheCatholicDirectory.com
Powered by CompBiz EZWeb© software.
Server management powered by Spiderhost.